^

Para Malibang

‘Art of letting go’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin niyo na lang po akong Rhose, 19. May anak na po ako pero hindi kami nagkatuluyan ng bf ko. Balita ko dalawa kami na naanakan niya at hawak siya sa leeg ng family ng other girl & I heard nagpupunta siya doon. Dapat ba akong mag-expect na magiging kami pa or just let him go?

Dear Rhose,

Let him go. Ngayon ka pa ba mag-i-expect na dalawa na kayong “nadisgrasya” niya? Bagaman masakit ang nangyari, ituring mong blessing o biyaya ang iyong anak. Mahalin mo siya at palakihin ng maayos. Siya ang magsisilbi mong lakas at inspirasyon para maging matatag at maka-move on na rin. Nariyan ang iyong pamilya na makakaramay mo. Pag-aralan mo na ring kalimutan ang bf mo at ituon ang panahon sa iyong anak at pag-aaral. Magpasalamat ka na lang at habang maaga ay nalaman mo ang tunay niyang pagkatao. Niloko ka man niya, pinagbayaran niya na rin naman ang ginawa niyang pag-iwan sa’yo. ‘Yun nga lang, hindi na siya nakawala sa babaeng ipinalit niya sa’yo. Bata ka pa at marami pang opportunities ang darating sa’yo basta’t wag lang puro puso ang paiiralin.

BAGAMAN

BATA

DAPAT

DEAR RHOSE

DEAR VANEZZA

MAGPASALAMAT

MAHALIN

NARIYAN

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with