Gamot sa ‘sunburn’ (1)
Panahon na naman ng summer marami sa atin ang nagbabalak magbakasyon. Ang iba ay pumupunta sa beach ang iba naman ay gumagawa ng ilang out door activities katulad ng hiking, rock climbing at kung anu-ano pa na maaaring makapag bilad ng balat sa araw. Sa pagbilad ng balat sa arawan maaaring mapinsala ito gaya ng sunburn. Ang sunburn ay mapula, mahapdi at mainit na pakiramdam kapag ito ay nahipo at nadikit sa anumang bagay. Kadalasang lumalabas ito pagkatapos magbabad sa araw ng ilang oras. Naririto ang natural na paraan upang malunasan ang sunburn:
1. Cold Compress
Maaaring mabawasan ang pamamaga at kirot dulot ng paltos sa paggamit ng cold compress sa apektadong bahagi ng balat.
Ibabad ang towel sa malamig na bimpo, pigain ang sobrang tubig at ilagay ang bimpo sa apektadong bahagi ng balat.
Ulit-ulitin ang proseso hanggang sa maramdaman ang hapdi na nawawala na dulot ng sunburn.
Iwasang maglagay ng yelo na direkta sa bahaging apektado ng sunburn dahil maaari itong magpalala sa paltos. Nirerekominda na huwag maligo ng maligamgam na tubig ng ilang araw bagkus maligo na lang ng malamig na tubig upang mapaginhawa ang nararamdamang hapdi.
2. Aloe Vera
Ang aloe vera ay kilala bilang isang epektibong natural na gamot sa minor burn injuries kagaya ng paltos dulot ng sunburn. Pinapababa nito ang nararamdamang hapdi, niri-rehydrate nito ang nasunog na bahagi ng balat at pinapadali ang hea-ling process.
Pumutol ng sariwang dahon ng aloe vera at hiwain ito sa gitna para matanggal ang gel.
Maglagay ng gel na nakuha sa dahon ng aloe vera sa bahaging may paltos at hayaang matuyo upang masipsip ng balat.
Kapag walang sariwang aloe verang magamit, maaaring gumamit ng aloe vera gel na mabibili sa merkado.
3. Suka
Gumamit ng white vinegar at apple cider vinegar sa paggamot ng paltos dulot ng sunburn.
Maghalo ng suka sa malamig na tubig, isawsaw ang malambot na tela sa solution at i-apply ito ng marahan sa bahagi ng paltos. Sisip-sipin nito ang init sa balat at binabawasan ang nararamdamang hapdi.
Maaari ring i-spray ang suka direkta sa apektadong bahagi ng balat para malunasan ang nararamdamang hapdi.
Isa pang paraan ay ang paghahalo ng parehong dami ng honey at suka, ilagay ito sa apektadong bahagi isang beses isang araw upang maiwasan ang impeksiyon.
- Latest