Sandaang mumunting Halimaw (33)
“EEEEE! EEEEE! EEEEEE!” Hindi napigil ni Shirya ang pagtili. Labis na natakot sa magiging anyo ni Eugenio sa darating na mga araw.
Bawat minuto ay inuubos ng uod ang nabubulok na laman ni Eugenio; sooner or later ay tiyak nang magiging buhay na kalansay na lamang ang napakapangit nang walking dead!
“Tiyak na nakagawa ka ng pangalawang kasalanan sa buhay mo noon, Eugenio!
“What was it, ha? Nilason mo ba ang mga kaaway mo and you were able to get away with murder?” Nang-aakusa na ang magandang diwata.
Nalambungan ng duda ang purong pagmamahal niya kay Eugenio.
Bumuntunghininga ang buhay na patay na halos buto’t balat na lamang.
“Higit pa sa murder ang aking nagawa... na pilit kong tinatakasan ang alaala, Shirya.
“Ilang panahon na akong nasa denial stage. Hindi ko matanggap na ako nga’y naging napakasamang tao.”
“But that was long ago, Shirya. At ulit-ulit ko nang pinagsisihan. Hindi ako naging tunay na maligaya mula noon, maniwala ka.” Laylay ang mga balikat ng binatang naging walking dead bago pa halos naging buhay na kalansay na.
“What now? Ano na nga ba ang dapat gawin sa iyo, Eugenio?”
“Tatanungin kong muli ang Diyos, Shirya. Baka patamaan na Niya ako ng kidlat. Baka bigla Niya akong palubugin sa lupang kinatatayuan ko.”
Luha at hinagpis ang naging tugon ni Shirya. Maging ang diwatang ito ay hindi malaman ang saysay ng nangyayari.
SA BAYAN na kinaroroonan ni Miggy, ipinagluksa ng mabait na binata ang kamatayan ng mga magulang.
Ang kanyang ina ay inatake sa puso, hindi na nakabawi, tuluyang namatay. Ang tatay niya ay sumunod sa hukay, hindi nga napatay ng mga halimaw ni Shirya pero pumanaw sa sama at ngitngit ng loob.
Two tragedies in a row iyon sa buhay ni Miggy. Nailibing ang kanyang mga magulang na siya y nagtatago sa mga nakikiramay.
Ngayo’y nginangatngat si Miggy ng 99 na lamang na mga halimaw. Nag-iisa sa dusa ang binata, nasa madilim na bahagi ng saradong parental house.
Isinusumpa ni Miggy si Shirya. “Napakasama mong diwata!”
(ITUTULOY)
- Latest