Iron (2)
Ang mga banepisyo ng pag-inom ng Iron Supplement?
Sa mga sanggol na ang ina ay uminom ng iron supplements noong panahon ng pagbubuntis ay may mataas na serum ferritin concentrations at Apgar scores. Iron supplementation sa nonanemic na kababaihan ay nakitaan ng tamang ng timbang at pagbaba ng panganib ng pagiging premature.
Ang mga sanggol na na-exposed sa mataas na lebel ng iron habang ito ay nasa sinapupunan ay mas mababa na madebelop ang wheezing at eczema sa kanilang kabataan ayon sa Avon Longitudinal Study of Parents and Children.
Kapag may malubhang anemia ang isang tao, maaaring ito ay isang kondisyon na tinatawag na pica. Karaniwan ito sa mga kababaihan na malimit ma-expose sa dumi, paint chips, o mga bagay na katulad ng mortar.
Anong maaaring mangyari kung sumobra naman sa iron?
Ayon sa mga nutritionists, hanggang 45mg ng iron lamang ang maaaring tanggapin ng katawan sa bawat araw. Bagaman may kakayahan ang katawan na iregulisa ang iron na pumapasok sa katawan, ang anumang labis ay makasasama. Ang sobrang iron ay naiimbak sa atay, puso at lapay (pancreas) at maaaring magdulot ng komplikasyon gaya ng cirrhosis, atake sa puso at diabetes. Ang labis-labis na iron ay maaaring makamatay.
- Latest