Mas madaling ma-stress si kuya (1)
Karaniwang epekto ng stress sa tao ay ang mainis, magalit at mawala siya sa mood. Pero, sa isang pag-aaral, lumalabas sa isang pag-aaral sa Austria, mas nagiging “Nice” ang mga babae kapag nai-stress? Habang ang mga lalaki naman ay masyadong nagiging “mean” o magaspang ang pag-uugali kapag nakakaranas ng stress. Sa nasabing neuroscience research, inilagay ang ilang kababaihan at kalalakihan sa isang nakaka-stress na sitwasyon gaya ng pagsasagawa ng public speaking, at mental arithmetic para masukat ang kanilang abilidad sa pakikipagkapwa-tao habang sila ay nai-stress, at lumabas na “poor” ang performance ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Nadiskubre rin na mas nagiging makasarili at nawawalan ng simpatya ang mga lalaki sa kanilang kapwa kapag stress habang ang mga babae ay mas nagiging pro-social at mas iniintindi ang kanilang kapwa.
Pero, bakit nga ba negatibo ang nagiging reaksiyon ng mga lalaki kapag stress? Ito ay dahil sa nawawala sa balanse ang hormones na testosterone at oxytocin ng tao kapag stress. Mas maraming nailalabas na testosterone ang mga lalaki kapag stress at kakaunti lang ang kanilang oxytocin na naire-release sa ganitong pagkakataon. Ngunit kabaliktaran naman ito sa mga babae. Mas madaming oxytocin na nailalabas ang mga babae kaysa testosterone. Ang oxytocin kasi ang hormone na nagbibigay ng abilidad sa tao na magmahal at maging kalmado ang tao. Mayroong nabibili na nasal sprays na nagtataglay ng oxytocin, pero, hindi mo naman kailangan lagi nito dahil may mga normal na gawain na maaaring magpakalma sa’yo kahit ikaw kuya ay stress. Narito ang ilan: (Itutuloy)
- Latest