^

Para Malibang

Bakit mo kailangan magdasal? (Last Part)

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga benepisyo ng pananalangin. Narito pa ang ilan:

Mas nagiging mabuting tao ka – Kapag “habit”mo na ang magdasal, unti-unti, bagama’t hindi mo napapansin ay mas nagiging mabuti at mabait ka kumpara noong hindi ka madalas magdasal. Ito ay dahil nababawasan ng pagdarasal mo ang taas ng iyong ego na noon ay kasing taas ng lipad ng agila, nababawasan ang iyong pagkasakim sa mga material na bagay.

Nagpapagaling ng sugat – Literal din na nagpapagaling ng sugat sa iyong pisikal na katawan ang pagdarasal, lalo na kung ang sugat na ito ay mula sa isang operasyon na isinagawa sa iyong katawan. Dahil kapag nananalangin ka ay nagiging kalmado ka, kaya mas nagiging maganda ang proseso ng iyong katawan at mabilis na gumagaling ang sugat nito.

Mababa ang posibilidad ng pagkakasakit – Ang pagdarasal ay nakakapagpalakas rin ng immune system at sa isang pag-aaral, nababawasan ang pagsumpong ng anumang sakit sa iyong katawan gaya ng asthma, heart attack at iba pa, kapag ikaw ay nagdarasal.

Nagpapahaba ng buhay – Ang pinaka importanteng benepisyo ng pa­nanalangin ay ang pagpapahaba nito ng iyong buhay. Ito ay dahil mapapababa ng pananalangin ang posibilidad ng pagkakaroon ng lahat ng uri ng sakit at stress. In short, hindi ka agad dadapuan ng malulubhang sakit dahil malusog ang iyong pisikal na katawan kaya mas hahaba ang iyong buhay.

 

DAHIL

IYONG

KAPAG

MABABA

NAGPAPAGALING

NAGPAPAHABA

NARITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with