^

Para Malibang

Bakit hindi ka ‘love’ ng ‘love’ mo?

Pang-masa

Last Part

Bakla – Baka naman abot-langit na ang pangarap mo sa kanya? Bago mo gawin ito, dapat mo munang imbestigahan mabuti kung tunay na lalaki ang crush mo. Dahil baka kaya kahit anong gawin mong pagpapaganda para mapansin ka ay nababalewala dahil hindi naman pala babae ang gusto niya. Sa halip ay kakompetensiya mo pala siya sa paghahanap ng boyfriend.

“Standard” na babae – Mayroon talagang mga lalaki sa mundong ito na ang pakiramdam nila sa kanilang sarili ay sobrang guwapo at itinuturing nila ang kanilang sarili na isang regalo ng Dios sa mga babae. Kaya naman naglalagay sila ng sobrang taas na “Standard” o katangian ng babaeng nais nilang makasama sa buhay. Kung ganitong uri ng lalaki ang crush mo at hindi ka niya napapansin, sorry na lang Inday humanap ka na lang iba. Dahil ibig sabihin hindi ka umabot sa kanyang pamantayan.

Relihiyon – Minsan kahit gustung-gusto ka ng lalaki kung magkaiba kayo ng paniniwala at pananampalataya, tiyak na hindi ‘yan susunod sa’yo lalo na kung may katungkulan siya sa kanilang simbahan, gaya ng ministro, pastor o ano pa man. Pero, kung sa kabila nito ay tumuloy pa rin siya ng panliligaw sa’yo, tiyak na gusto ka niya, ‘yun lang dapat handa ka rin talikuran ang iyong relihiyon dahil tiyak na sa malao’t madali ay ito ang bagay na inyong pagtatalunan.

 

BAKLA

DAHIL

DIOS

INDAY

KAYA

LAST PART

MAYROON

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with