^

Para Malibang

Anong sakit ang AIDS? (2)

BODY PAX - Pang-masa

4. Huwag makipag-sex ng vaginal intercourse, oral sex at anal sex sa mga taong apektado at pinaghihinalaang infected ng AIDS; na may multiple partners; gumagamit ng intravenous (IV) sa drugs.

5 Gumamit ng proteksyon sa pakikipag-sex kapag hindi sigurado sa iyong partner upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit na ito.

6. Huwag maki-share ng karayom.

7. Kailangan ng konsultasyon ng mga kababaihang positibo sa HIV bago magbuntis upang malaman nila ang panganib na dulot nito sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa. Sa mga nagdadalang taong ina na positibo sa HIV ay kailangang malaman nila ang mga makabagong gamutan para maiwasang ma-infect ang mga fetus na nasa sinapupunan. Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang mga ina na positibo sa HIV ay dapat hindi nagpapasuso para maiwasan ang exposure ng sanggol sa sakit na ito.

8. Ang latex condoms ay isang epektibong paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa HIV. Malaki pa rin ang tsansa na mahawa sa sakit na ito kahit gumagamit ng condom kapag mali ang paggamit nito. Gumamit ng bagong latex condom, kapag allergic sa latex mas maige na ang gamitin ay plastic (polyurethane) condom. Iwasang gumamit  ng lambskin condoms dahil hindi ka nito kayang protektahan  sa HIV.  Huwag gumamit ng petroleum jelly, cold cream at oil  dahil maaaring makasira ito sa condom at maging sanhi ng pagkabutas nito. Gumamit lang ng oil based lubricants. Ang female condoms ay epektibong gamitin pero dapat tama ang pamamaraan ng paggamit nito. Iwasang pagsabaying gamitin ang male at female condom.

9. Magpasuri agad kung sa tingin mo ikaw ay nakipag-sex sa taong positibo sa HIV.

 

AMERICAN ACADEMY OF PEDIATRICS

AYON

GUMAMIT

HIV

HUWAG

IWASANG

KAILANGAN

MAGPASURI

MALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with