^

Para Malibang

Sandaang halimaw 8

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANG gabing iyon na kabilugan ng buwan, sa pagitan ng luha at poot, si Shirya ay walang kapagurang nakatingala sa kalawakan.

Walang makapal na ulap, kita ng diwata ng batis ang mga bituin.

 Sila ni Eugenio, noong payapa pa ang kanilang mundo bilang lovers, ay magkatabing pinanonood ang full moon.

Pero ngayon nga’y wala na si Eugenio, wala nang buhay.

 At siya, si Shirya, ay walang kapangyarihang bumuhay ng patay.

“MGA WALANG HIYA KAYOOO!” mu­ling sigaw ni Shirya. Sa panggabing hangin ay umalingawngaw ang poot niya.

Nakarating ang mahina nang echo sa mga bayan at lunsod. Uma­bot sa pandinig nina Max, Marko, Brendon at Primo.

Napalunok ang apat na noo’y nasa kanikanilang pamilya. Humigit-kumulang ay alam nilang mula ang tinig sa diwata ng nakatagong batis.

Nagkibit-balikat si Max. Kasunod ay mai­ngat na tinabihan sa kama ang nahihimbing nang misis.

 Nasa tabi sila ng bintanang bukas. Natanaw ni Max ang bilog na buwan.

Napalunok ang masamang padre de pamil­ya. Sa kanyang diwa ay sumagi ang mensahe na ewan niya kung narinig nga niya.

 “Sinabi rin ba ng dalaga sa batis na tutubuan kami sa katawan ng sandaang halimaw—sa pagbibilog ng buwan?”

 Huminga nang malalim ang hayok sa laman. Uminom ng malamig na tubig mula sa ref. Dumighay. BURPP.

Nag-positive thin­king si Max. “Wala akong narinig. Ayokong marinig. Hindi ko maririnig.”

Kasunod ay nahigang muli sa tabi ng tulog nang ginang. Naghilik pa nga. SSSHH. NGOO-OORK.

Nang madaling araw na’y biglang napaigtad ang hayupak. May naram­daman sa katawan si Max.

Mga nagkikislutang ewan pa niya kung ano. Sa suot niyang t-shirt ay bumubukol ang mahiwagang bagay.

Buong tapang niyang inililis ang t-shirt.

 Nanlaki ang mga mata ni Max sa nakita. Sagad ang kilabot.

(ITUTULOY)

AYOKONG

BRENDON

BUONG

DUMIGHAY

EUGENIO

KASUNOD

NANG

NAPALUNOK

SHIRYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with