^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (47)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SINAKOP ng napakasiglang pakiramdam si Avery. Feeling buhay na buhay siya. Hindi tulad ng dati na duda siya kung buhay o patay.

Dama niya ang tuwa, nais niyang mapatalon sa galak. Bawat himaymay ng katawan ni Avery ay nagsasabing siya ay BUHAY!

Biglang nakadama ng matinding gutom si Avery. Kailangan niyang kumain agad. Tinakbo niya ang musoleyo, naghanap ng anumang makakain sa ref.

Maraming ubas at mansanas; merong empanada at chicken sandwich. Buong  kahayukang nilantakan niya ang mga pagkain.

Kagat. Nguya. Lulon. Inom ng tubig. Halos mabulunan si Avery.

Sa sandaling ito ay nalimutan  ng dalaga si Russell; isa-satisfy muna ang sobrang gutom at uhaw na rin.

Mayamaya pa ay busog na busog na si Avery. Dumighay pa nga.

Saka lang muling naalala ang lalaking pinakamamahal. Si Russell. “Oh, God...ano na kaya ang sinapit niya?  Baka siya naman ang namatay?”

Ngayon ba sila bibiruin ng kapalaran? Kung kailan dapat ay pareho na silang buhay ni Russell?

Sa sobrang ligalig ay napasigaw na si A­very, malakas na sigaw ng kawalang pag-asa. AAAHHH.

Naglakbay sa hangin ang sigaw, nabulabog ang mga maya sa punongkahoy—nagliparan.

Pero merong surpresa—biglang tumayo sa pagkakahiga sa ibabaw ng nitso ang manong sepulturero!

Manong, buhay ka! Purihin si Lord!” tuwang nasambit ni Avery.

“B-Bakit po, mam, muntik ba akong n-natepok?” takang tanong ng manong.

Niyakap ng dalaga ang manong. “Ga-hibla na lang po ang hininga ninyo kanina! Awang-awa ako, dasal ako nang dasal!”

“Kung gayo’y natulungan ako ng inyong dasal, mam. Nakinig sa inyo ang Diyos!”

Natigilan si Avery, may klarong napatunayan. “N-Nakikita n’yo ako, manong...”

“Opo naman, mam! Isa po kayong magandang babae!” (TATAPUSIN)

AVERY

AWANG

B-BAKIT

BAWAT

BIGLANG

BUHAY

BUONG

DIYOS

SI RUSSELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with