‘Urticaria 4’
Ang sintomas ay maaaring mawawala ng tuluyan pagkatapos ng ilang buwan at may ilang kondisyon din na tumatagal ng ilang taon.
Kalahati sa mga kaso nito ay tumatagal ng 3-5 taon magmula ng magsimula ito.
1 sa limang kaso na ang sintomas ay nagpapabalik-balik at tumatagal ng 10 taon.
Ano ang mga gamutan sa chronic urtica-ria?
Antihistamine tablets
Ang paglabas ng histamine sa ilalim ng balat ay nagiging sanhi ng urticaria. Ang antihistamines ay pumipigil sa pinsala ng histamine. Nagbibigay ng kaluwagan sa nararamdamang sintomas. May iba’t ibang klase ng antihistamine kagaya ng:
Sa mga sinaunang antihistamine ay nagdudulot ng antok kaya iniinom ito bago matulog.
Sa modernong antihistamine ay medyo mababa ang dulot ng antok kaya kapag kailangan, ito ay maiinom ng regular.
May ilang tao na umiinom ng sinaunang sedating antihistamine sa oras ng pagtulog at sa modernong non-sedating ay maaaring inumin sa umaga.
Kapag ang isang antihistamine ay hindi nakakalunas ng maigi ay mas mabuting palitan agad ng aayon sa iyong katawan. Maaaring inumin ang antihistamine sa loob ng 1-2 linngo bago magdesisyon kung epektibo o hindi.
May ibang tao na kailangang uminom ng antihistamines kapag ang sintomas ay lumalala. Ngunit kapag ang pamamantal ay lumilitaw ng tatlong araw o mas higit pa sa isang linggo ay mas maiging uminom ng antihistamine araw-araw kahit may pantal o wala. Ginagawa ito para mapigilan ang pamamantal at pangangati kesa uminom ng gamot kapag nakaranas na ng sintomas .
Pampapawi ng pamamantal
Creams kagaya ng menthol sa aqueous cream ay makakatulong para palamigin ang pakiramdam ng balat at malunasan ang naramamdamang pangangati. Ang paliligo ng malamig na tubig ay makakatulong upang maginhawahan ang nararamdamang pangangati bago matulog upang makatulog ng mahimbeng at maginhawa.
- Latest