Bedroom Color Feng Shui
(Last part)
Base sa Feng Shui, ang kulay ng iyong bedroom ay makakatulong sa love life at maging sa sex life para magkaroon ng positive chi o energy sa inyong relasyon.
Nauna na nating natalakay ang kulay pula, dilaw, orange, puti, blu, pink, purple at green. Narito ang iba pang feng shui colors na maaari ninyong subukan.
Brown - Ang brown ay iniuugnay sa earth element. Ang brown ay kumakatawan ng stability at reassurance. Tulad ng bahay, ang brown ay nagbibigay ng warmth and protection. Kulayan ang iyong bedroom ng brown upang maakit ang faithful lover. Ang dark at medium shades ng brown ay pinaniniwalaang magpapatag ng confidence habang ang light brown ay nagpapakalma ng isip at nakakatulong ito para hindi mo masyadong isipin ang iyong relasyon. Iwasan ang kulay na ito kung ang iyong sex life ay boring na at kailangang pag-initin.
Black - Ang itim ay hindi karaniwang kulay sa bedroom. Siguro ay dahil ang marami nag-iisip na ang itim ay may kinalaman sa kalungkutan at pagdadalamhati. Pero sa feng shui, kapag kinulayan ng itim ang bedroom black o kung gagamitin ito na accent color, makakatulong ito sa inyong relationship. Tulad ng blue, kumakatawan ito sa water element na umaakit ng flexibility at understanding. Dahil mayroon itong charm ng mystery at humihikayat ng exploration, maaaring umakit ito ng venturesome lover na dadalhin ka sa exciting ride.
- Latest