Bedroom Color Feng Shui (3)
Sa Feng Shui, ang kulay ng iyong bedroom ay makakatulong sa love life at maging sex life para magkaroon ng positive chi o energy sa inyong relasyon.
Nauna na nating natalakay ang kulay pula, dilaw, orange, puti, blu at pink. Narito ang iba pang feng shui colors na maaari ninyong subukan.
Purple
Naniniwala ang ilang feng shui gurus na ang purple ay ang kulay ng spirituality. Kaya nga madalas makita sa mga pari o mga panatiko at sa simbahan ang kulay purple diba.
Tulad ng kulay puti, ang purple ay may power of healing. At tulad sa kulay blue, lumulikha ito ng harmonious energy sa pagitan mo at ng iyong partner.
Ang purple ay bagay sa mga married at sa mga nais pahabain ang inyong long-term relationship. Kung ang purpose mo ay mag-init ang iyong sex life, iwasan purple.
Kung galing sa hiwalayan at gusto mong magkaroon ng panibagong lovelife, ang purple ay makakatulong sa iyong spiritual insight at palalakasin nito ang sense of self.
Green
Ang green ay kumakatawan ng wood element kaya para sa mga feng shui practitioners, ang berde ay kulay ng growth at change. Ang energy ng kulay na ito ay makakatulong sa mga couples na hindi naggo-grow ang relationship.
Maganda rin ang kulay berde sa mga single na naghahanap ng adventurous soul mate.
( Itutuloy)
(source: hubpages.com)
- Latest