^

Para Malibang

Paano maging ‘macho’?

Pang-masa

Ang matawag o mabansagan na “macho man” ay maituturing na “pride” ng mga lalaki. Noong unang panahon, kapag macho o matipuno ang lalaki, ginagawa siyang pinuno ng isang lugar, kaya naman walang kahirap-hirap na kumuha ng magiging asawa ang isang lalaking macho noon. Halos nababali ang leeg ng mga kababaihan kapag nakakita ng macho at tiyak na pinapantasya nila ito. Gayunman, hindi lahat ng lalaki ay matatawag na macho o makisig kahit pa malaki ang kanyang pangangatawan. Paano nga ba tunay na matatawag na “macho”. Narito ang ilang tips para makitaan ng pagiging macho:

Pagpapapogi – Ang mga lalaking maayos sa kanilang pangangatawan ay hindi nakakalimutan ang magpapogi, hindi naman ibig sabihin nito na kailangan niya ng aksayahin ang buong maghapon niya sa harapan ng salamin at daigin pa ang babae. Ibig sabihin lang nito ay kailangan niyang mag-ahit ng bigote, maging mabango at malinis sa pananamit at sa buong katawan.

Pagpapanatili ng maayos na gupit ng buhok – Iwasan ang pagpapahaba ng buhok kung hindi naman bagay sa’yo at hindi mo madala ang ganitong style. Magkaroon ng hair cut na babagay sa iyong personalidad.

Huwag maging arogante – Kung nais talagang maging macho  o matipuno, dapat na maging mabait o may tamang pag-uugali at hindi arogante. Kung may taglay na “attitude” o hindi kagandahang pag-uugali, huwag ipakita ito sa publiko dahil posibleng matawag na arogante at makainisan. Maging “smart”, magalang at “gentleman” sa lahat ng panahon.

Malusog na  pangangatawan – Hindi ka matatawag na macho kung ikaw ay sakitin. Kaya dapat na maging malusog ang pangangatawan, hindi man malalaki ang muscles, pero hindi ka rin naman laging dinadala sa ospital. Kaya dapat na tiyaking may ehersisyo at kung nais matawag na literal na macho mas mabuti kung magtutungo sa gym para magkaroon ng abs at malalaking muscles sa dibdib at mga braso.

Maging dominante – Hindi ibig sabihin nito ay magiging bastos ka na. Dapat lang na maging dominante ka sa inyong date. Halimbawa, ikaw ang unang kumuha ng menu at paorderin ang babaeng ka-date, siyempre ikaw din ang magbabayad.

DAPAT

GAYUNMAN

KAYA

MACHO

MAGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with