Kailangang ‘attitude’ para magtagumpay
Kuwentahin ang Destiny number: Birth month + Birth date + Birth year = Destiny number (single digit).
Destiny no. 1
Pag-aralang maging: determinado, ambisyoso, prangka pero may limitasyon, may tiwala sa sarili. Iwasang maging: maramot, bossy, arogante, dominante.
Destiny no. 2
Pag-aralang maging: mapagmahal, may konsiderasyon, maunawain, pasensiyosa. Iwasang maging: sobrang sensitibo, utu-uto, sumpungin, pabago-bago ng isip.
Destiny no. 3
Pag-aralang maging: masayahin, optimistic, friendly, confident, mahusay sa pakikipag-usap. Iwasang maging: diktador, mayabang, mapagmalaki, gastador, tsimosa at mapag-isip sa kabiguan.
Destiny no. 4
Pag-aralang maging: praktikal, palaaral, seryoso, disiplinado, matapat, maagap, at mapagkakatiwalaan. Iwasang maging: matatakutin sa mga pagbabago, matigas ang ulo, boring, makupad, sobrang mahigpit. Itutuloy
- Latest