Huwag balewalain ang mga sakit na ito…
May mga sakit na akala mo ay simple lang kaya minsan ito ay binabalewala. Posibleng ang mga sakit na ito ay sintomas na rin ng panganib sa iyong buhay at kalusugan.
Psoriasis – Ang sakit na ito sa balat ay hindi dapat balewalain. Dahil bukod sa nagdudulot ito ng iritasyon sa iyong pakiramdam dahil sa pangangati ng iyong balat, malaki rin ang posibilidad na ito ay dulot ng sakit sa puso. Sa pag-aaral ng mga eksperto, lumalabas na habang lumalala ang psoriasis at tumitindi rin ang panganib ng heart attack sa’yo. Humihina kasi ang immune system ng katawan dahil sa psoriasis kaya maging ang mga arteries ng puso ay posibleng maapektuhan nito.
Metabolic syndrome – Ang sakit na ito ay may koneksiyon sa coronary heart attacks, diabetes na nagdudulot ng maagang kamatayan. Posibleng kapitan ka ng sakit na ito kung ikaw ay malaki ang tiyan, may alta presyon, mababa ang good cholesterol at hindi tamang timbang ng glucose. Ang sakit na ito ay maaaring sanhi ng kidney stones. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng kidney stones kung isa sa mga nabanggit na palatandaan ay tinataglay mo. Para maiwasan ito, mas mabuting magkaroon ng regular na ehersisyo para bumaba ang iyong timbang at lumiit ang iyong baywang. Bunsod nito, malaki ang tsansa na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito kung mayroong tamang diet.
Hika – Madalas ka bang hikain? Posibleng ito ay dahil sa depresyon at sobrang pag-aalala. Lumalabas sa pag-aaral na ang asthma ay may koneksiyon sa problema sa pag-iisip at emosyon. Ang pag-aaral na ito ay kinumpirma rin ng mga military veterans na mayroong post-traumatic stress disorder . Ang mga veterans kasi na madalas atakihin ng PTSD ay madalas din atakihin ng asthma.
- Latest