Patay na ako, Mahal (28)
“GUSTO mong kumain ng... batsoy, Avery?” takang tanong ni Russell sa babaing lito kung buhay o patay. “Batsoy as in sinuwam na laman at atay at lapay ng baboy?”
Tumango si Avery. “H-hindi ko mapigil ang pananabik ng panlasa ko, Russell. Para akong mababaliw kapag hindi nakakain ng batsoy-Tagalog”.
“Batsoy-Tagalog?” paniniyak ng binata.
“Yes, Russell. Hindi La Paz Batsoy”.
Tumangu-tango ang binata. “Okay, kaya kong magluto...”
Umiling si Avery. “You don’t have to, Russell. Makibili ka na lang sa malinis na restaurant na nagluluto ng batsoy.”
HINDI lumipas ang maghapon, nakalabas na ng ospital si Avery. Sumakay sila ni Russell sa kotse ng binata.
Ginagap ni Avery ang bisig ng pinakamasugid na manliligaw. “I appreciate what you are doing for me, Russ”.
“Just stay alive for me, Avery, please”.
Bumuntunghininga ang dalaga, tumanaw sa malayo, sa labas ng bintana ng modelong kotse.
“Ayaw mo pa rin bang magmahal nang tuluyan?” mahinahong tanong ni Russell, dama sa tinig ang pag-asam”. Nalimutan mo na ba, na inamin mong mahal mo na ako?”
Lumungkot ang dalaga.
Tanong din ang naging sagot. “Bakit ayaw mong maniwalang patay na nga ako?
“Lahat ng impormasyong sinabi ng duktor tungkol sa zombie at walking dead ay nararamdaman ko, Russell”.
“Walang sinabi sa research ng duktor na kasali sa sintomas ang pananabik sa pagkain, Avery”.
“Wala ring sinabing there are no exemptions to the rule, Russell”. Oo nga naman, sa loob-loob ni Russell. Matalino ang dalagang kanyang minamahal, naunawaan ng binata.
HINDI nagtagal ay nakabalik na sila sa musoleyo. “Magpapaka-Patay ka na naman, ha, mahal?”
Tumango si Avery. “Oo, pero hihintayin ko muna ang ulam na nais ko ngang kainin.”
(ITUTULOY
- Latest