^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (26)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“AVERY, n-naging zombie ka! L-lumala ang kalagayan mo!” putlang-putlang sabi ni Russell, hindi malaman ang dapat gawin.

Nananatili namang nakatayo lang si Avery, taglay ang nakakatakot na anyong nakakabangungot.

Klak-klak-klak. Tunog ito ng naka-lock na doorknob; merong nagbubukas ng pinto, nais pumasok.

“S-Sino ‘yan?” tanong ni Russell sa pagitan ng kilabot.

“Oras na po ng medication ni Ma’am, Sir”.  Ang nurse iyon, nabosesan ni Russell.  “Kindly open po”.

“S-sandali lang, nurse. Please wait,” sabi ni Russell. Lakas-loob niyang nilapitan ang dalagang naging zombie.

Hindi naman tulad ng mga walking dead na bayolente si Avery; nanatiling -nakatayo lamang, parang tuod na wala halos kakilus-kilos.

“Avery, please, kontrolin mo ang sarili mo! Papatayin ka nila kapag ganyan ang anyo mo!

“Hindi binubuhay ng mga tao ang zombie, mahal!”

Nabahala ang nurse sa labas ng pintong sarado. “Hello, ma’am, sir. Is something wrong po ba diyan?”

Hindi makasagot si Russell; hindi kayang sabihin sa nurse ang nagaganap na hiwaga.

Kinabahan na nang husto ang nurse. “S-saglit po! Kukuha ako ng duplicate key sa nurses’ station!” Lalong nataranta si Russell. Anumang oras ay papasok na ang nurse, tiyak na makikita nito si Avery sa nakakatakot na anyo.

“Avery, dali, magtago ka muna sa toilet! Huwag kang basta lalabas! Hindi ka dapat makita ng nurse bilang zombie or walking dead!”

Sunud-sunuran naman si Avery. Inilapat ni Russell ang pinto ng toilet matapos pumasok ng dalaga.

Ang main door ng recuperating room ay nabuksan na ng nurse. “Nasaan po ang pasyente, sir?”

Itinuro ni Russell ang toilet. “Nasa loob pa siya, nurse.” Biglang lumabas si Avery.

Napangiti ang nurse. “Blooming po ang beauty n’yo, ma’am!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANUMANG

AVERY

BIGLANG

HUWAG

INILAPAT

ITINURO

NURSE

RUSSELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with