^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPAKALAKAS ng paghigop ng puting liwanag sa kaluluwa ni Avery. Ang kanyang katawan na nasa operating table ay tinakasan ng ispiritu.

Bigla ay nais tumuwid ang linya sa monitor, halos flat line na. Na ibig sabihi’y ga-hibla na lang ang layo ni Avery sa ganap na kamatayan.

Nag-aaway sa diwa ni  Avery ang buhay at kamatayan. Sabi ni Russell ay buhay siya at siya’y mahal na mahal ng binata. Ang gusto naman niya ay ganap nang kamatayan—para mapalibing na siya sa nitso sa musoleyo, kasama doon ng mga magulang na namayapa na.

Tarantang-taranta ang diwa ni Avery. Biglang parang nais na niyang hangaring siya ay buhay pa—may kakayahang suklian ang pagmamahal ni Russell.

Sa pagkamangha ni Avery, kung ano ang bilis ng pataas na higop sa kanya ng liwanag ay siya ring tulin ng pagbulusok niyang pababa.

Nagbalik sa kanyang katawan sa operating table ang kanyang ispiritu o kaluluwa; hindi na empty shell ang katauhan ni Avery.

Buhay si Avery. Nakahinga ang mga duktor at narses, nakapagligtas sila ng batambata pang buhay.

Ibinalita agad ng isang nars ang good news kay Russell. “Buhay siya, sir. Thank to the Lord!”

Nalugod nang husto ang binata. “Yes, nurse, salamat kay Lord!”

SA RECUPERATING room na nagkausap nang solo sina Avery at Russell. Kaydami na namang tanong ng dalaga.

“Russell, ano ba ako talaga? Bakit nakikita ako ng mga tao—mga duktor at narses, ikaw, si Tita Soledad?

“Hindi naman ako maniniwala na lahat na lang sila ay merong 6th sense or 3rd eye...”

“Avery, hindi ka pa ba naniniwalang ikaw ay hindi patay?  Na ikaw ay buhay at hindi kailanman namatay?”

“Pero patay na nga ako, Russell. Na sa kung anong dahilan ay nakakaranas pa ng lahat ng nararamdaman ng taong buhay...”

Kung nagkataong ibang tao ang kausap ni Russell, hindi si Avery, siguro ay binulyawan na niya ito dahil sa kakulitan.

“Avery, hahagkan kita sa labi. Saka mo sabi­hing patay ka na.” Itutuloy

AVERY

BAKIT

BIGLA

BIGLANG

BUHAY

IBINALITA

RUSSELL

TITA SOLEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with