Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang isang pangkaraniwang baboy ay kayang uminom ng 14-galon ng tubig sa isang araw? Ang matandang baboy ay may 44 ngipin. Ang isang piglet o kapapanganak lang na baboy ay may bigat na 2 ½ pounds at agad na madodoble ang bigat na ito sa loob lang ng isang linggo. Wala rin katotohanan na maduming hayop ang baboy kaya sila tinawag na “baboy”. Dahil sa totoo lang gumagawa ng sariling banyo ang mga baboy at inilalayo nila ang lugar na kanilang kinakainan. Tinawag silang baboy dahil mahilig silang magpaikot-ikot sa putik. Ito ay dahil wala silang “sweat glands” at hindi sila nagpapawis kaya palaging mainit ang kanilang pakiramdam. Dahil dito, kinakailangan nilang magpagulong gulong sa putik. Kaya palagi silang madumi at tinaguriang “baboy”. Dito nakuha na “Ang taong marumi sa katawan” ay baboy.
- Latest