Gulay sa ‘Bahay-Kubo’
Bakit nga ba naimbento ang kantang “Bahay Kubo”? Ipinapahayag kasi ng kantang ito ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay sa paligid at ang pagkain nito dahil sa kabutihang naidudulot sa ating katawan. Narito ang mga benepisyo ng gulay sa kantang ito:
Singkamas – Kilala rin ito bilang Mexican turnip. Ang gulay na ito ay binubuo ng 90% tubig at may mataas na vitamin A na kilalang antioxidant laban sa cancer. Vitamins B at C, calcium, phosphorus at fiber kaya mahusay din na kainin kung ikaw ay nagbabawas ng timbang.
Talong – Kung kulang ka sa potassium, ito ang mabuting kainin mo dahil sa mataas na taglay ng bitaminang ito. Bukod sa potassium makakakuha ka rin sa talong ng B6, folate at fiber. Ngunit paalala lang, kung mataas ang iyong sugar sa katawan, dapat din na maghinayhinay sa pagkain ng talong dahil sa mataas na calories nito.
Sigarilyas – Sa English ito ay tinatawag na “Winged bean”, kung saan mataas ang B1, B2, B3, calcium at iron nito at mababa naman ang sodium.
Mani – Kung naiisip mong mamantika at tataas ang iyong cholesterol sa pagkain ng mani, nagkakamali ka, dahil nagtataglay ito ng “good cholesterol” at tinatalo ang bad cholesterol sa iyong katawan. Nagpapaalerto ito sa iyong isip at nagbibigay ng vitamin E at B.
Sitaw – Kahit anong klase ng pagkakaluto nito, ang gulay na ito ay masarap at talaga naman nagbibigay ng magandang nutrisyon sa iyong katawan. Mataas ang potassium, vitamin C, A at manganese nito kaya nakakatulong kapag ikaw ay dumaranas ng disminoriya.
- Latest