^

Para Malibang

Maging ‘cool’ sa kalsada

Pang-masa

Patuloy na dumarami ang aksidente sa kalsada. Bakit kaya? Karamihan ay bunga ng pag-aaway, lalo na kung makakaengkuwentro ka ng “bad driver” sa daan. Ngayong bakasyon tiyak na hindi mo maiiwasan na makaengkwento ng mga ganitong uri ng nagmamaneho. Narito ang dapat mong gawin para makaiwas sa mga siga sa kalye:

Kumain ng peppermint candy o cinnamon stick – Sa pag-aaral ng Wheeling Jesuit University lumalabas na nakakapagpababa ng 20% ng pagod o stress ang pagnguya ng peppermint habang 25% na bababa naman ang nararamdamang frustration ng isang tao  at 30% naman ang ibinibigay na alertness nito. Kaya kung magmamaneho ng mahabang oras, mas mabuting magbaon ng mga pagkaing gaya nito.

Magbigay suporta – Hindi naman nauubos ang kalsada, mas mabuting suportahan mo ang nais gawin ng iyong kapwa driver. Kung makikita mo siya na nais niyang pumasok sa iyong lane, bakit hindi mo na lang siya pagbigyan? Kung  ang pagbibigay sa daan ang iyong nakaugalian, tiyak na hindi ka mai-stress sa pagmamaneho at mae-enjoy mo pa ito.

Mamalagi sa kanan – Karamihan ng driver ay ayaw manatili sa kanang bahagi ng kalsada lalo na kung ikaw ay nasa highways. Mababagal kasi ang mga sasakyang nasa ganitong lane at tiyak na uubusin ang iyong oras. Pero, sa totoo lang mas safe mamalagi sa lane na ito dahil makakaiwas ka sa mga agresibong drivers.

Kontrolin ang iyong sarili – Walang ibang kokontrol sa iyong emos­yon kundi ang iyong sarili. At lalong hindi mo pupuwedeng kontrolin ang emosyon o ugali ng ibang drivers na makakasabay mo sa daan. Kaya naman dapat mong panatilihin ang iyong kalmadong pakiramdam para hindi agad makapatol sa mga salbaheng drivers sa daan.

Maging malikhain – Kung sa pakiramdam mo ay malapit ng uminit ang iyong ulo, bakit hindi lumikha ng mga nakakatawang bagay? Sabi nga “Laughter is the best medicine”. Puwede rin naman maging ng music na makakapagpakalma sa’yo.

IYONG

KARAMIHAN

KAYA

WHEELING JESUIT UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with