Horseshoe crab (3)
Ilang daang horseshoe crabs (Limulus polyphemus) ang kinukuhanan ng dugo kada taon upang makakuha ng substance na tinatawag na Limulus Amebocyte Lysate (LAL). LAL ay ginagamit para suriin ang intravenous drugs at medical equipment kung mayroong presensya ng bacteria at endotoxin, na nakakalason at makikita sa lahat ng bacteria. Ang endotoxin ay kayang manatiling buhay kahit dumaan pa sa heat sterilization at maging sa maliit na presensya nito ay puwedeng humantong sa malubhang impeksyon o maging sa kamatayan ng tao kapag kasamang dumaloy ito ng intravenous sa dugo. Ang LAL test ay lubhang sensitibo na kayang makatuklas kahit ito pa ay masmaliit pa sa one femtogram (a millionth of a billionth of a gram) ng endotoxin sa milliliter ng tubig.
Panano ito gumagana?
Ang horseshoe crabs ay kahalintulad ng ibang hayop na may immune system proteksyon laban sa impeksyon. Kapag ang horseshoe crab ay napinsala at may presensiya ng bacteria, ang immune system ay nagsisimula ng proseso ng clotting reaction para maselyuhan ang napinsalang bahagi. Ang immune system ng horseshoe crab’s ay gumagamit ng endotoxin para maging sinyales sa impeksiyon, kahit sa maliit na presensya ng endotoxin ay magkakaroon ng mabilis na clotting reaction.
- Latest