Feng Shui Tips sa mga Estudyante
Part II
Narito ang simpleng ritwal para maging mahusay ang kanyang memorya. Bago mag-review, gawin ang mga sumusunod:
Hugasan ang kamay, paa, mukha.
Mag-inhale at exhale ng 5-10 minuto.
Mag-chant ng maikling mantra na Om Aing ng 11 beses. Saka simulan ang pag-aaral.
Kumuha ng boteng kulay green. Ang bote ay dapat na yari sa glass at hindi plastic. Bote ng 7 UP o Sprite. Punuin ng tubig at ibilad sa sunlight ng 3 oras.
Ang tubig na ito ay iinumin habang nagrerebyu. Ang “charged solar water” ay magbubukas ng isipan ng bata kaya’t magiging mabilis ang pag-unawa at pagmemorya ng kanyang pinag-aralan.
Maglagay ng crystal gem tree, quartz crystals o amethysts geode sa west sector ng study room. Nakakatulong ito para magpokus ang isipan sa pinag-aaralan.
- Latest