^

Para Malibang

Masaklap na karanasan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Myrna. Nagkaroon po ako ng limang boyfriends magmula nang ako’y 19-anyos pa lang pero masaklap ang aking naging karanasan sa kanila.

Ganyan ba talaga ang mga lalaki, pulos mapag­laro sa pag-ibig? Matapos kong maibigay ang aking katawan ay bigla na lamang akong iiwan. Tinuturuan ko ang aking sarili na huwag ng umibig muli dahil sa karanasan kong ito. Ngayon ay may nanliligaw muli sa akin at ramdam kong mahal ko siya. Kaya lang ay natatakot ako. Baka katulad din siya ng mga lalaking minahal ko.

Dear Myrna,

Hindi dapat katakutan ang pag-ibig. Kaya lang, ang babae ay dapat maging maingat sa sarili. Ang pagkababae’y hindi dapat ibinibigay sa bawat makarelasyon. Totoong maraming mapaglarong lalaki. Pero kung ipinapakita ng babae ang pagpapahalaga sa sarili at hindi basta-basta isinusuko ang sarili, pahahalagahan din sila ng lalaki. Sana’y nagkaroon ka ng gintong aral sa mga nakalipas mong karanasan at sikaping hindi na muling mapaglaruan.

Sumasaiyo,

Vanezza

DEAR MYRNA

DEAR VANEZZA

GANYAN

KAYA

MATAPOS

MYRNA

NAGKAROON

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with