Hypothermia
Isa na namang mapaminsalang bagyo ang humagupit sa ating bansa nitong nagdaang araw na pinangalanang Ruby. Marami ang nawalan ng tahanan at buhay dulot ng bagyong ito. Isa na rito ang pagkamatay ng tatlo nating kababayan na ang naging sanhi ay ang pagbaba ng temperatura ng katawan o hypothermia. Ano nga ba ang hypothermia at bakit humahantong sa kamatayan ang ganitong kondisyon? Naririto ang ilang impormasyon ukol sa hypothermia:
Nagyayari ang hypothermia kapag ang temperatura ng katawan ay bumagsak ng mababa sa 35 °C. Kailangan mapanatili ang temperatura ng tao sa 37 °C at kapag ito ay bumaba ay nagiging mapanganib at maaaring maging dahilan ng hypothermia.
Apat na paraan kung paano nawawala ang init sa katawan ng tao:
• Conduction – Direktang pagsalin ng init ng katawan ng tao sa isang bagay na masmalamig kumpara sa katawan (kagaya ng paghiga sa malamig na lugar na maaaring makasalin ng init na nanggaling sa katawan).
• Convection – Hangin o likido na dumaloy sa buong katawan na maaaring makapagpababa ng init ng katawan (kagaya ng malamig na hangin na nakakadagdag ng pagkawala ng init)
• Evaporation – Ang likido sa balat ay nagiging vapor, na nakakaalis ng init sa katawan (mabils na nakakawala ng init ang mamasa-masang balat). (Itutuloy)
- Latest