^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (85)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAG-UMANGAN ng baril ang mga ala­gad ng batas at si Tatiana na nasa katauhan ni ‘Manny Pacquiao’.

“Ibaba mo ang baril mo ngayundin!” utos ng isang pulis. “Kundi’y tutuluyan ka na namin!”

Nakapatay na ng isang pulis si Tatiana o ‘Manny’.  Galit na galit ang mga alagad ng batas.

Naunahan ng takot si ‘Manny’ o Tatiana, nagbaba ng baril, nagtaas ng mga kamay tanda ng pagsuko.

Hindi nakapagtimpi ang isang pulis, pinukpok sa ulo si ‘Manny’ o Tatiana.

Bumagsak sa sementadong lapag ang babaing laging gutom. Nahilo pero hindi nawalan ng malay-tao.

Isinama siya sa kulungan ng mga lalaki.

Natural namangha ang mga nakakulong, buong akala ay si Manny Pacman nga ang isinama sa kanilang kulungan.

“Idol, ano’ng kaso mo?”

“Pati ba naman ikaw e kayang basta ikulong?”

“Tawagan mo agad ang abugado mo, Manny! Resbakan mo sila!”

Tango at ngisi lang ang naging tugon ni Tatiana o ‘Manny’.

Lihim siyang nagpapasalamat. Gutom na gutom na naman siya. Kailangan na namang kumain.

Pinag-aralan niya ang mga nakakulong. Isa ang malaki ang tiyan. Isa ang mataba pero maputla.

Tatlo ang mukhang tisiko. Merong isang ba­tambatang guwapo.

Sino ba sa mga ito ang kakainin niya?

“All the above,” nakangising sabi ni Tatiana sa sarili, sa loob-loob lamang.

Tinanaw niya ang mga pulis sa labas ng kulungan.

Ang desk sergeant at ilan pang pulis ay nalilibang sa panonood sa telebisyon.

NGASSAB. Isa agad sa mga nakakulong ang kinain-nginuya ni Tatiana o ‘Manny’. Pumulandit ang sariwang dugo.

Nagimbal ang ibang bilanggo, nagsigawan.

“Aaahh! Sakloloo!”  (Itutuloy)

vuukle comment

AAAHH

BUMAGSAK

GALIT

ISA

MANNY

MANNY PACMAN

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with