‘Testosterone’
Pagtuunan natin ng pansin ngayon ang Testosterone.
Ano nga ba ang testosterone? Ayon sa freedictionary.com, ang testosterone ay puting crystalline steroid hormone na C19H28O2 na nanggagaling sa testes na siyang responsable sa development at maintenance ng mga katangian ng mga lalaki.
Ayon sa wikipedia.com, ang Testosterone ay steroid hormone mula sa androgen group na mayroon ang mga mammals, reptiles, ibon at iba pang vertebrates.
Ang testosterone ay may mahalagang bahagi sa development ng male reproductive tissues tulad ng testis at prostate at nagpo-promote rin ng secondary sexual characteristics tulad ng paglaki o pagtubo ng muscle, bone mass, at balahibo.
Dagdag dito, ang testosterone ay importante sa health at well-being at tumutulong din para maiwasan ang osteoporosis.
Matapos malaman kung ano ang testosteron, susunod nating tatalakayin kung paano nakakaapekto ang mababang testosterone sa health, mood at sex.
Ayon sa Mayo Clinic, pinakamataas ang testosterone levels ang adolescence at early adulthood. Ang unang physical signs ng testosterone o androgens sa katawan ay makikita sa puberty. Nag-iiba ang boses ng isang binatilyo, lumalapad ang balikat at mas nagiging mukhang mama na. Ngunit kapag nagkakaedad ang lalaki, bumababa ang level ng kanilang testosterone ng one percent kada-taon pagsapit ng age 30. (Itutuloy)
- Latest