Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na sa Athens, Greece, kinukumpiska ang lisensiya ng mga drivers dito sa oras na mahuling nagmaneho na hindi pa naliligo o madumi ang damit. Sa isang isla naman sa Jersey, ipinagbabawal sa kanila na magtahi habang panahon ng pangingisda habang sa Alabama naman, bawal dito ang magtago ng suklay sa bulsa dahil maaari raw itong gamiting sandata o maaaring makasakit. Ito ay matapos na isang 13-anyos na batang lalaki ang nasaksak ng suklay ng kanyang kalaro. Sa Michigan naman, illegal ang pagtatali ng fire hydrant. Bawal sa Oklahoma ang panghuhuli ng balyena. Sa Quebec, Canada, gumawa sila ng batas dito na nag-aatas sa mga manufacturers ng butter at margarine na pag-ibahin ang kulay nito. Sa British law naman noong 1845, isang mabigat na kaso ang kakaharapin mo kapag nagtangka kang mag-suicide. Parurusahan din ng bitay sa pamamagitan ng pagbigti sa leeg.
- Latest