Dahil lang sa anak kaya nagsasama
Dear Vanezza,
Nais ko pong malaman kung dapat bang ipagpatuloy ng mag-asawa ang kanilang pagsasama ng dahil lamang sa kanilang mga anak? Namu-mroblema po kasi ako sa asawa kong iresponsable na’y babaero pa. Mayroon po kaming tatlong anak. Tinitiis ko na lamang po lahat ng ito dahil ayoko pong masira ang kinabukasan ng aking mga anak. Gusto ko pong maging solid ang aming pamilya at hindi broken na karaniwang nagiging dahilan ng pagkaligaw ng landas ng mga anak. Tama po kaya na magtiis na lamang ako sa kamay ng asawa kong hindi tumutupad sa obligasyon bilang padre de pamilya? - Rosy
Dear Rosy,
Hinahangaan ko ang disposisyon mong pangalagaan ang kapakanan ng iyong mga anak dahil totoong masama ang epekto ng paghihiwalay ng magulang sa mga bata. Kung ang pakahulugan mo ng iresponsable ay tamad lamang pero hindi naman nambubugbog, hindi ko maipapayo ang paghihiwalay. Napakasagrado ng kasal at ang dalawang pinagtaling-puso ay sumusumpang magsasama sa hirap at ginhawa. Kausapin mo siya at ipaunawa na kailangan ninyong magtulungan para sa kinabukasan ng inyong mga anak. Nawa’y ang ipinapakita mong sakripisyo ang magsilbing susi sa pagbabago ng mister mo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest