^

Para Malibang

Anong uri ka ng ‘Chocolate’?

Ms. Jewel - Pang-masa

Maraming pinagbabasihang bagay  kung paano malalaman ang perso­nalidad ng isang tao. Iba’t ibang eksperto na ang nag-aral para lang mabasa kung anong karakter at pag-uugali ng isang tao. Ang isang nakakagulat dito ay maaari na ngayong malaman ang personalidad ng isang tao depende kung anong uri ng tsokolate ang kanyang paboritong kainin. Narito ang ilang halimbawa na hindi mo man paniwalaan, pero pupuwede rin bigyan ng pansin.  Kaya kung ikaw ay:

Classic Chocolate lover – Kung paborito mong kainin ang simpleng flavor na ito, ikaw ay maituturing na isang tao na may sensitibong pag-iisip sa isang bagay o sitwasyon. Ikaw ay may puso sa kalikasan at ayaw na minamadali sa anumang bagay, dahil nais mong pag-isipan o namnaming mabuti ang isang bagay bago ka umaksiyon.

Chocolate Truffle lover – Kapag mas paborito mong kainin ang uri ng chocolate na medyo mapait at maitim, ikaw ay isang “extrovert person” o ‘yun taong mahilig sumali sa mga aktibidad ng maraming tao gaya ng party, sports etc.  Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga sa’yo ay ang iyong kasiyahan.

Almond lover – Kung ang gusto mo naman ay chocolate na hinaluan ng almond, ikaw ay palakaibigan at makalinga sa iyong pamilya at kaibigan at mahal sa buhay. Ikaw din ay mapagbigay at may malaking puso para sa mga nangangailangan.

Choco-Cappucino lover – Mahilig ka rito? Ikaw ay isang taong may malawak na pag-iisp, maituturing ka rin na “problem solver” at palaging excited sa iyong kinabukasan. Kaya lang ikaw din ay taong may maikling pasensiya at madaling mairita.

CHOCO-CAPPUCINO

CHOCOLATE TRUFFLE

CLASSIC CHOCOLATE

IKAW

ISANG

KAPAG

KAYA

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with