Sensyales na ikaw ay buntis
Last Part
May kakaiba ka bang nararamdaman?
Nagbago ang iyong energy level, mood o ang iyong ‘dibdib na para kang may pre menstrual syndrome.
Nahihilo ka ba o kaya ay parang hihimatayin?
Sa tingin mo ba, buntis ka na?
Narito ang mga senyales na ikaw ay buntis ayon sa webmd.com
Sensitive na breast – Isa sa unang signs na buntis ka ay pananakit at sensitive na breasts o boobs.
Parang laging pagod at inaantok – Antukin at malamya ang mga babaeng buntis. Ito ay dahil tumataas na ang progesterone na dahilan kung bakit ang pakiramdam ay pagod.
Mood Swings – Dahil sa pagbabago ng iyong hormones ay nagiging emotional.
Nahihilo – May mga babaeng parang laging lumulutang ang pakiramdam o nahihilo kapag nagbubuntis. Ang iba ay hinihimatay pa.
Nasusuka – Ang pagsusuka ay maagang maagang mararamdaman pero pagdating ng ika-7-9 weeks.
Sensitive sa mga amoy – Mapapansin na magiging maselan ang iyong ilong sa mga naamoy. Magiging maselan ka rin sa mga kinakain dahil mas magiging sensitive na ang sense of smell.
Laging naiihi – Ang kidney ay nagpro-produce ng maraming ihi kapag nagbubuntis. At dahil lumalaki ang sinapupunan, nagkakaroon ng pressure sa pantog.
Spotting o dinudugo ng paunti-unti – Makakaramdam ng pananakit ng puson o kaya magkakaroon ng spotting bago sumapit ang inaasahang pagdating ng ‘dalaw’. Ito ay senyales na kumakapit na ang fertilized egg sa uterus. Maaaring magbleeded hanggang sa ika anim hanggang ikapitong linggo na normal lang.
- Latest