^

Para Malibang

Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’ (2)

BODY PAX - Pang-masa

Karaniwang nararanasan ng mga boksingero sa amateur man o professional na laban ang pasa. Ang pangingitim ng balat ay nangyayari dahil sa pinsala sa blood vessels sa loob ng balat. Isang karaniwang  halimbawa rito ay ang “black eye” na nararanasan ng bosingero. Sa pamamaga at kirot ng bahaging tinamaan ng suntok ay mababawasan sa pamamagitan ng paglalagay ng yelo.

Pilay at Pagkapuwersa ng kalamnan

Pinsala na may kinalaman sa litid ay karaniwan din sa mga boksingero. Ang litid ay isang makapal na tissue na nagkokonekta sa mga buto.

Ang mga pilay sa bukung-bukong at kamao ang karaniwang napipilay sa mga boksingero na may sintomas ng kirot, pamamaga at pasa. Kapag malubha na ang pananakit sa tendon ito ay maaa­ring maytendonitis na ang isang boksingero. Ang tendonitis ay karaniwang nangyayari sa bahagi ng katawan na may limitadong supply ng dugo na na­giging sanhi ng pinsala sa tissue. Ang kakulangan sa supply ng dugo ay nakakapigil sa oxygen at nutrients na marating ang tendone upang gumaling agad. Mas mainam na malagyan agad ng yelo ang bahaging namamaga, makapagpahinga at itaas ang bahaging namamaga upang maayos na makadaloy ang dugo.

Pag-alog ng Utak

Karaniwan ang pakaalog ng utak sa lahat ng contact sports katulad ng boksing. Ang pinsala sa ulo ay dahil sa malakas na tama sa ulo. Naaalog ng malakas ang utak na nasa loob ng bungo. Kapag ang malakas na tama ng suntok ay naranasan maaari itong maging dahilan ng abnormalidad sa loob ng maiksing panahon.

Mga ilang sintomas ng pagkaalog ng utak:

Kawalan ng malay-tao

Pagkawala ng me­morya

Pagsusuka

Kawalan ng kordinasyon

Pagkalito

Pananakit ng ulo

Bali sa Buto

Mga karaniwang bali sa buto ng mga boksingero:

Ilong

Kamay

Panga

Ribs

Ang karaniwang bahagi ng kamay na nagkakaroon ng bali ay ang metacarpal bones na tinatawag na “boxer’s fractures.”Kinukonekta ng metacarpal bones ang mga daliri sa kamao na maaaring ma-displaced dahil sa malakas na tama.

 

BUTO

ILONG

ISANG

KAMAY

KAPAG

KARANIWAN

KARANIWANG

KAWALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with