Dismenorhea o Dysmenorrhea
Karaniwan ang pagkakaroon ng pananakit ng puson bago magkaroon o kapag may period. Ang suspetsa ay may kinalaman ang pananakit ng puson sa paglabas ng ovum sa ovary.
Pero ang iba, matindi ang nararamdamang sakit at halos namimilipit at ito ay nangangahulugan ng mas malalim na dahilan, isang diperensiya o karamdaman.
Mayroong tinatawag na primary dysmenorrhea na hinihinalang sanhi ng hormonal imbalance. Sakit lang ng puson ang nararamdaman at walang pananakit ng balakang.
Mayroong ding secondary dysmenorrhea na mas matinding pananakit ng puson at may kasamang pananakit ng balakang na sinasabing sanhi ng mas matinding karamdaman.
Ang iba ay umiinom ng pain reliver para sa nararamdamang sakit pero mas makabubuting komunsulta sa pinagkakatiwalaang OB-gynecologist para masuri ang tunay na dahilan ng dysmonorrhea at mabigyan ng karampatang lunas.
- Latest