Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang gagamba ay hindi insekto? Ito ay isang arachnid. Ang iba pang miyembro ng arachnid ay scorpion, garapata at mites. Ang gagamba ay mayroong walong binti habang ang insekto ay anim lang. Wala rin antenna ang mga arachnid habang ang insekto ay mayroon. Mayroong 40,000 uri ng gagamba. Ang tawag sa takot sa gagamba ay “arachnophobia”. Ang tawag naman sa pinakamalaking gagambang at mayroong makapal na buhok ay “tarantula”. Kaya nitong pumatay ng bubuwit, butiki at ibon. “Cobweb” naman ang tawag sa abandonadong sapot ng gagamba.
- Latest