^

Para Malibang

Mga pinsalang dulot ng ‘boxing’ (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ipinagbubunyi na naman ng ating mga  kababa­yan ang pagkakapanalo ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Chris Algeiri. Isa na namang karangalan ang naibigay sa ating bansa ni Manny kapalit nito ang pakikipagbugbugan niya sa kanyang nakakalaban na nakapagdudulot din ng panganib sa kalusugan niya at kanyang mga katunggali. Anu-ano ang maaaring maging panganib nito sa kalusugan ng bawat boksin­gero na sumusuong sa ganito kadelikadong sports. Ang boksing ay isang combat sport na maaaring magresulta ng pinsala sa katawan ng atleta. Kinukunsidera ito na isa sa mapanganib sa kalusugan kumpara sa ibang sports.  Naririto ang ilan sa mga panganib sa kalusugan na maaaring makuha ng mga boksingero at ilan pang mga contact sports:

Ang mga propesyunal na boksingero ay nakakaranas ng maliliit na pinsala sa katawan kumpara sa mga walang sapat na training sa sports na ito dahil alam nila kung papaano protektahan ang kanilang sarili. Ang karaniwang mga pinsala na nararanasan ng mga boksingero at ilan pang contact sports ay katulad ng:

• Putok at pasa

• Pilay

• Pinsala sa utak

• Bali sa buto

• Dislocation ng mga joints

• Putok at Pasa

Ang pagkakaroon ng putok at pasa ay karaniwan pinsala na nararanasan sa pagboboksing. Nakukuha ito sa pamamagitan ng mga suntok gamit ang kamao na may gloves o sa ulo ng katunggali.  Sa amateur boxing ay mas mababa ang porsiyento ng pinsala dahil ng headgear at gloves na hindi gaanong makakasugat. Mas madalas maranasan ng professional boxers ang malalalim na putok dahil sa malalakas na suntok ng magkatunggali.

ANU

CHRIS ALGEIRI

IPINAGBUBUNYI

ISA

KINUKUNSIDERA

NAKUKUHA

PUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with