^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (69)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ALAM nina Sofia at Almario at ni Dexter na si Tatiana ang naghahasik ng lagim sa siyudad; na ito ang kumain sa mga pulis at waiter; na ang dalaga ang pinaghahanap ng mga alagad ng batas bilang Enemy Number One.

Ang hindi alam ng sinuman, si Tatiana ay malayo na sa kalupaan.

Ang babaing kinakain ang lahat ay nasa laot na ng dagat, kalaro ang mga dolphins o lumba-lumba at isang butanding o whale shark.

Kaylutong ng tawa ni Tatiana, enjoy sa pakikipaglaro sa mga nilikha ng karagatan; parang batang tuwang-tuwa.

Pansamantala ay kinakalimutan ni  Tatiana ang gutom, kinukontrol ang kalam ng sikmura.

Isang dolphin ang nagkamali ng talon, sa ilong ni Tatiana humampas.

Napahiyaw sa sakit ang babaing anak ng taga-ibang uniberso. “Aaahhh!”

Galit na galit si Tatiana, pikon na pikon sa lumba-lumba. “Kung meron akong labis na kinaiinisan, iyon ay ang mga bobo!”

Hinabol ni Tatiana ang bobong dolphin. Kaybilis-bilis ng paglangoy, gigil na gigil pa rin dito.

“Huwag kang pahuhuli nang buhay, lumba-lumba! Ngunguyain kita nang unti-unti! Mamamatay ka nang napakasakit!” sigaw ni Tatiana.

SA BAHAGING iyon ng ‘Pinas, dinadayo ng mga local and foreign tourists ang pamayanan ng mga butanding.

Isang grupo ng mga turista ang walang kamalay-malay na nakasunod sa babaing kinakain ang lahat.

Kitang-kita nila nang hulihin ng babaing lumalangoy ang isang dolphin.

EEEEEE! Napatili sila nang kainin na nang buhay ng babaing lumalangoy ang kaawa-awang dolphin.

Papalag-palag ang dolphin habang nila-lamon ni Tatiana.

Nakunan iyon ng video ng mga turista.

Hindi doon nagtapos ang gutom at galit ni Tatiana. Isinunod niya ang pagkain sa buhay na butanding!  (ITUTULOY)

vuukle comment

AAAHHH

ALMARIO

ENEMY NUMBER ONE

GALIT

HINABOL

HUWAG

ISANG

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with