^

Para Malibang

May stretch marks ka ba? (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ang stretch marks ay resulta ng mabilis na pagkabanat ng balat,O dahil sa biglaang paglaki o pagtaas ng timbang.

Sa pagkabanat ng balat,  ito ay nagreresulta  ng pagkapunit ng gitnang bahagi ng balat na dahilan upang lumitaw ito sa labas na bahagi ng balat na tinatawag na stretch marks. Ang  dermis ay mayroong matibay at magkakaugnay na mga fibers dahilan upang mabanat ang balat kapag ito ay lumalaki  ngunit sa mabilis na paglaki ng balat ito ay maaaring ma-over-stretch at maputol ang mga fibres. Kapag napunit ang dermis ay nagiging sanhi ito upang lumitaw sa outer layer ng balat ang blood vessels kaya ang kulay ng stretch marks ay pula o purple. Kung ang blood vessels ay lumiit ang maputlang kulay na fat sa ilalalim ng iyong balat ay lilitaw at ang stretch mark ay mapapalitan ng kulay silvery-white.

Kailan lumilitaw ang stretch marks?

Lumilitaw ang stretch marks:

Sa panahon ng pag bubuntis

Mabilis na pagtaas ng timbang

Sa panahon ng puberty

Kapag may family history ng stretch marks

Kapag ay may nararanasang kondisyon katulad ng Marfan syndrome

Pagkatapos ng mahaba at hindi tamang pag-inom ng corticosteroid medication

Pagbubuntis - Karaniwan ang stretch marks sa panahon ng huling bahagi ng pagbubuntis mga 8 sa 10 na nagdadalang tao ang nakakaranas nito. Nakadepende ang pagkabanat ng balat sa klase kung gaano ka-elastic ang balat.

BALAT

KAILAN

KAPAG

KARANIWAN

LUMILITAW

MABILIS

MARFAN

MARKS

STRETCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with