Kapag nakunan si ate...
Isa sa pinakamasayang buhay ng isang babae ay ang magkaroon ng anak o mabuntis. Kaya lang may ilang sitwasyon sa buhay ni ate na minsan ay nakakaranas siyang makunan at talaga naman na isa itong nakakapanlumo. Narito ang ilang paraan na maaari mong gawin para maalagaan mo ang iyong sarili upang magkaroon ng ligtas na pagbubuntis.
Tamang panahon – Matapos na makunan, kinakailangan munang maghintay ng tatlo hanggang anim na buwan bago ulit magbuntis. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang iyong katawan na maka-recover at magkaroon ng tamang nutrisyon para sa muling pagbubuntis. Kung mabubuntis agad ng wala sa tamang panahon, malaki ang posibilidad na muling makunan.
Emosyonal na paghahanda – Bukod sa paghahandang pisikal, dapat mo rin tanungin ang iyong sarili kung handa ka na “emotionally” para sa muling pagbubuntis. Sa panahon ng pagbubuntis ay nagkakaroon din ng pagbabago sa mood o emosyon ng isang babae.
Kausapin ang doctor - Sa oras na malaman mong ikaw ay buntis muli matapos na makunan, dapat mo agad itong ipaalam sa iyong ob-gynecologist upang mabigyan ka ng tamang preparasyon sa iyong katawan. Maaaring bigyan ka niya ng mga bitamina na magbibigay ng tamang nutrisyon sa’yo at sa iyong sanggol upang mas lumiit ang posibilidad na hindi ka na muli makunan.
Kumain ng masustansiyang pagkain – Makakabuti ang pagkain ng mga pagkain na mataas sa folate at antioxidant. Mahalaga ito upang magkaroon ng magandang brain development ang iyong sanggol.
Ehersisyo – Alamin ang mga ehersisyong nararapat sa isang babaeng nagbubuntis. Mahalaga rin ito para makayanan ng iyong katawan ang hirap ng panganganak. Patatatagin din nito ang iyong mga buto at kung sobra ang iyong timbang ay tiyak na mababawasan ito.
- Latest
- Trending