Alam n’yo ba kung ano ang “Hanukkah”? Ito ay ipinagdiriwang ng mga Istraelita matapos nilang matalo ang Greek-Syrian rules, Antiochus, 2200 taon na ang nakalilipas. Kasama sa pagdiriwang nila ay ang paggamit ng menorah, ito ay lalagyan ng kandila na may siyam na pirasong suksukan ng kandila, tinatawag din itong “Hanukiah”. Sa kanilang pagdiriwang, ang bawat pamilya ay kumakain ng “latkes” o potato pancake at “sufganiot” o jelly donuts o iba pang pagkain na iniluto sa mantika. Sa Yemen, ipinagdiriwang nila ang Hanukkah sa pamamagitan ng pagbisita ng mga bata sa mga bahay-bahay. Sa ika-walong araw ng Hanukkah, nagdadasal ang bawat pamilyang Hudyo at isinasama nila ang “Al Hanissim” o pagbibigay ng kapurihan sa Dios dahil sa mga himalang ginawa nito.