PASAKAY sa nakapundong yate sa marina si Tatiana nang masukol siya ng tatlong security guard.
Nakilala si Tatiana ng mga sekyu. “Iyan nga ang babaing kumain nang buhay sa tatlong pulis! Barilin na natin, mapanganib ‘yan!”
Nakataas ang mga kamay ni Tatiana, nananantiya.
Hindi pa rin niya matiyak kung tatablan siya ng bala.
Paano kung kaya pala siyang patayin ng sandata ng tao? Hindi matatanggap ni Tatiana na magpapaanod-anod lang ang ispiritu niya sa ibabaw ng daigdig.
“Hintay!” sabi ni Tatiana sa tatlong sekyu. “Bago n’yo ako barilin at patayin—gusto ko’y wala akong anumang damit...”
Napalunok ang tatlong security guards. Napakaganda ng babaing nais magtalop sa harap nila.
“Tipong...hubad ka sa mundo, ha, miss?” Naaaliw ang mga sekyu, nakatutok pa rin ang mga sandata kay Tatiana.
Nakangiting naghubad na ng lahat-lahat si Tatiana. Ang napakagandang katawan ay ipinakita.
Naglaway sa pagnanasa ang tatlong sekyu. Ang mga utak ay nademonyo ng tukso.
Nagsayaw pa nang mahalay si Tatiana. Gumiling-giling ang balakang.
Vulgar version iyon ni Tatiana ng disenteng Hawaiian belly dance.
Nagkakatinginan ang mga sekyu, hindi malaman kung saan dadalhin ang hubo’t hubad na babae; kung saan puwede itong ‘makalaro’ ng bahay-bahayan. Iyon ang hinihintay na sandali ni Tatiana. Umilap ang kanyang mga mata.
Sa isang kisap ay nakatalon sa tubig si Tatiana. SPLAASSHH.
Saka lang ‘natauhan’ ang tatlong sekyu. Pinagbabaril sa tubig si Tatiana.
BANG-BANG-BANG-BANG.
Pero ligtas na si Tatiana, nakapagtago sa ilalim ng tubig—sa tapat mismo ng yate. (ITUTULOY)