Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na umaabot sa 105 bilyong libra ang produksiyon ng sibuyas sa buong mundo? Ang bansang Libya ang pinakamaraming nauubos na sibuyas na umaabot sa 66.8 libra. Ang sibuyas din ang ikatlo sa pinakamalaking industriya ng gulay sa Amerika kung saan mayroon silang 2 million metric tons kada taon. Ayon sa makalumang kasabihan ng mga taga England, maaari raw malaman sa pamamagitan ng balat ng sibuyas kung gaano kadami ang yelong babagsak kapag winter dito. Kapag manipis ang balat ng sibuyas, ibig sabihin ay kakaunti lang ang snow na babagsak. Kung makapal naman ang balat ng sibuyas, magiging madami ang snow sa winter. (mula sa www.foodrefence.com)
- Latest