^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (60)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DINAKIP nga ng mga pulis si Tatiana, dinala sa presinto para imbestigahan.

Samantala’y nagkagulo na nang husto sa main road ng lunsod dahil nga sa nagtatakbuhang libu-libong mga bubuwit.

Nagkabuhul-buhol ang trapiko; kaydaming tao ang inatake sa puso.

 “A-a-aahh...h-hindi ako makahinga, t-tulu­ngan n’yo ako,” daing ng matabang driver ng bus.

Ang konduktorang 45-year old ay hinimatay sa takot sa mga bubuwit.

Nagkaroon ng stampede ng mga pasahero, nagkatulakan, nagkasakitan sa pag-uunahang makalabas ng sasakyan.

Ilang pasahero ang tumalon, sa bintana ng bus dumaan.

KABLAG.  TUDD. PLAGG.

Ilan sa mga ito, mga babae, ang nabalian. “EEEE! LABAS ANG BUTO KOOO... DIYUSKOPO NAMANG MAHABAGIN...”

Natataranta ang mga rescue teams; gaya rin ng mga bubuwit na hindi malaman kung saan susuling.

Sa mga imburnal at iba’t ibang butas  nagsipagtago ang mga bubuwit.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na umuusad ang trapiko. Kay-ingay-ingay ng mga busina ng mga galit nang motorista.

HONK-HONK-HONNKK. PIID-PIID-PIID.

Nag-live coverage agad ang ilang TV network, sa mismong pinangyarihan.

“Narito po tayo ngayon sa lugar na sinalanta ng libu-libong dagang bubuwit, na umano’y  nakasunod sa pinakalider ng mga ito—isang magandang babaing misteryosa... “ mahabang intro ng seksing broadcaster. “Aalamin pa po namin kung nasaan na ang babaing misteryosa”.

SI TATIANA ay kasalukuyan nang iniim­bestiga ng mga awtoridad. Tumanggi siyang magpaposas o ikulong sa selda. “Alam ko ang human rights ko, dahan-dahan kayo!”

“Sagutin mo ang tanong, miss, ikaw ba ang lider ng libu-libong bubuwit na naminsala sa lunsod?”  seryosong usisa ng hepe. (ITUTULOY)

AALAMIN

ALAM

BUBUWIT

ILAN

ILANG

NAGKABUHUL

NAGKAROON

NARITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with