Aphrodisiacs: Facts or Fiction? (1)
Naniniwala ba kayo sa mga pagkaing Aphrodisiacs o mga pagkaing nakaka-stimulate ng sexual desire? Ayon sa WebMD.com, tila nasa isip lang natin ang epekto ng mga pagkaing aphrodisiacs base sa ilang reseach,
Placebo Effect
Ang placebo ay akala mong totoong medical treatment pero hindi naman talaga. Ang placebo ay puwedeng pildoras, shot o kung ano pang ibang uri ng “fake” treatment. Ang placebos ay hindi naglalaman ng active substance na makakaapekto sa kalsugan. Kaya ang “placebo effect” ay kapag naniniwala kang may naitutulong o may therapeutic effect ang iyong pinaniniwalaang treatment na ang totoo ay wala naman talaga. Kaya kung sa tingin ng isang tao, ay nakakapagpataas ng sex drive at sexual stamina ang mga pinaniniwalaang aphrodisiac foods tulad ng talaba, ang kanyang anticipation sa epekto ng kinain ay makakatulong na magkakatotoo ang inaasahan niyang effect.
Alaala ng ‘unforgetable food’
Isipin ang mga pagkain na nakain mo bago o habang nasa ‘di malilimutang’ sexual encounter. (Itutuloy)
- Latest