^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (57)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TATLONG bubuwit na daga ang umaaliw sa imahinasyon ni Tatiana. Nais niyang gumawa ng  kakaibang eksena na pangunahing tauhan ang mga bubuwit.

Dinoble niya ang dami ng tatlong bubuwit, gamit ang kanyang magical power. Biglang na­ging anim iyon.

Kay-iingay ng maliliit na bubuwit. iit-iitt-iitt. Iit-iitt-iitt.

 Ang anim ay ginawang isandosena; naging beinte-kuwatro. Inulit nang inulit ang proseso hanggang sa halos napuno na ng sangkatutak na bubuwit ang motel room ni Tatiana.   

 Musika sa pandinig ng babaing alien ang ingay ng mga bubuwit.

 Para kay Tatiana ay isa iyong konsiyerto, isang musical masterpiece ng mga nilalang na pinandidirihan ng karamihan.

Hindi nakaila sa mga tauhan ng motel ang walang tigil na ingay ng mga bubuwit.

 “Sa Room 109 nanggagaling!”

“Nagdala doon ng pagkain si Roger pero hindi pa bumabalik. Tiyak na alam niya kung ano’ng meron sa 109”.

“Bakit naman kaya matagal d’un si Roger?”

Hindi alam ng mga tauhan na si Roger, ang guwapong waiter, ay kinain na ng babaing nasa 109; nasa tiyan na ni Tatiana ang mabait na nilikha.  “Mahilig pa naman ‘yang si Roger na magpahinga. Baka nasa isang tabi at nagre-rest”  .Rest In Peace na si Roger at wala ngang kaalam-alam ang mga kasamahan.

Dalawang tauhan ang nagpasyang magpunta sa 109,  magsisiyasat.

TOK-TOK-TOK. Kumatok sila sa 109. Natiyak na nilang dito nga nagmumula ang nakaririn­ding ingit ng mga bubuwit.

“Mam, ser, pakibuksan po sandali”.

 KRE-E-E-EK. Lumangitngit, bumukas ang pinto. Nagpulasan ang libu-libong bubuwit. (Itutuloy)

BAKIT

BIGLANG

BUBUWIT

DALAWANG

REST IN PEACE

SA ROOM

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with