^

Para Malibang

Epekto ng Diabetes sa ‘sex life’

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Last Part

Maraming may diabetes ang nagkakaproblema  sa sex. Ngunit maaaring solusyunan ito sa pamamagitan ng pagko-control ng blood glucose, pagpapababa ng blood pressure, cholesterol at triglyceride levels.

Mga dapat malaman ng mga babae tungkol sa sex at diabetes

Tulad ng mga babae, nakakaranas din ang mga lalaki ng pagbaba ng libido kapag tumataba o kapag depress. Pero ang karaniwang komplikasyon ng diabetes sa ang   lalaki ay erectile dysfunction (ED) kung saan nahihirapan magkaroon ng erection o panatilihin ang erection para sa sexual intercourse.

Maraming lalaki na may diabetes ang nagkakaroon ng ED dahil sa testosterone deficiency, na malalaman sa simpleng blood test lang. Maraming sanhi ng ED bukod sa diabetes. Puwedeng maging dahilan ng ED ang stress, high blood pressure, sobrang alcohol at depression.

Maraming puwedeng treatment sa ED at na-ngunguna rito ang Viagra o Levitra. Puwede rin ang pag-inom ng testosterone treatments, penile constriction rings, penile sleeves, vacuum pumps, injections, suppositories, at surgical implants.

Mas makabubuting komunsulta sa inyong doctor para sa nararapat na treatment.

Tandaan: anuman ang problema sa sex life, mas makabubuting pag-usapan ninyo ito ng iyong partner para maintindihan ka niya at mas maganda kung magtutulungan kayo para magkaroon ng healthy sexual relationship.

LAST PART

LEVITRA

MARAMING

NGUNIT

PERO

PUWEDE

PUWEDENG

TANDAAN

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with