^

Para Malibang

Mas mahal ang dating gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Naguguluhan po ako sa dalawang babaeng naging bahagi ng buhay ko. Sino ba ang pipiliin ko sa kanila?  Hindi po naman sabay ang naging relasyon ko sa kanila. Ang una ay first love ko at tumagal kami ng isang taon. Nakipag-break siya sa akin dahil sa away ng aming pamil­ya at biktima siya ng intriga. Masakit para sa akin dahil mahal ko siya. Gumaling lamang ang sakit ng aking puso nang makilala ko ang pangalawa kong naging gf sa pinapasukan kong opisina. Isang taon na rin kami ngayon. Akala ko, wala nang hadlang sa aming relasyon. Pero dumating muli ang dati kong nobya at nais niyang ibalik ang naputol naming relasyon. Ipinagtapat ko sa kanya na mayroon na akong bagong nobya. Iniyakan niya ito at sinabing sa panahong wala kami sa isa’t isa, wala siyang ini-entertain na iba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang tanging alam ko, ang una kong nobya pa rin ang tunay kong mahal. Sinabi ko sa gf ko ngayon ang pakikipagbalikan ng aking unang nobya. Ang sabi niya, nasa akin ang pagpapasya at mauunawaan niya kung babalikan ko ang dati kong gf. Mahal niya raw ako at hindi niya gustong maging hadlang siya sa aking kaligayahan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero sa kaibuturan ng aking puso, hindi ko pala kayang tuluyan nang mawala ang una kong gf sa buhay ko. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Anong mabuti kong gawin? - Emer

Dear Emer,

Tama ang gf mo. Ikaw lang ang makapagpapasya kung sino ang dapat mong piliin sa kanilang dalawa. Ang susi ng maligayang pagsasama ng isang babae at isang lalaki ay nasa tamang pagpili sa kakasamahin sa buhay para walang sisihan sa dakong huli. Mas mahal ka ng pangalawa mong gf dahil nakahanda siyang magbigay ng kalayaan mo para sa kaligayahan mo. Natanto rin ng una mong gf ang kamalian niya at isinuko niya ang kanyang pride para bumalik sa iyo. Hindi siya nakipagrelas­yon kanino man dahil ikaw ang mahal niya. Masuwerte ka sa pagkakaroon ng mga babaeng tunay ang pagmamahal sa’yo. Kaya timbangin mong mabuti dahil ikaw lang ang dapat mamili kung sino sa kanilang dalawa para wala kang pagsisihan sa bandang huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANONG

DEAR EMER

DEAR VANEZZA

GUMALING

IKAW

INIYAKAN

KONG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with