^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (43)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HUWAAG!”  SIGAW NI Almaro, binawi agad ang kamay niyang hawak ni Tatiana, buong akala ay kakainin iyon ng babaing alien.

Nagdamdam si Tatiana. “Nagmano lang po ako. Hindi ko kakainin ang kamay ng mister ni Mommy”.

“Tama lang, mahiya ka naman sa iyong ina kung kakainin mo pati kanyang personal pro­perty”.

‘Personal property ni Mommy ang turing mo sa sarili mo, Dad Almario? Ikaw mismo ang nagmamaliit sa sarili mo?”

“Akala ko pa nama’y you are a strong person, masasandalan ni Mommy during bad times.” Napakahaba ng puna ni Tatiana sa ama-amahan.

“Ako pa rin ang ‘The Rock’ ng iyong mommy, Tatiana.  Anyway, hindi ko kailangan ang opinyon mo. Marami pa akong dapat gawin sa aming mundo.

“How I wish lang na sana ay sa ibang pamilya ka na lang sumingaw, hindi sa amin ng wife ko. Napakatino ni Sofia para magdusa nang ganito”.  Hindi paaapi sa  alien woman si Almario.

Labis namang nainsulto si Tatiana.  Siya pala sa paningin ng ama-amahan ay isang napakalaking pagkakamali.

Inis na nag-dial sa landline si Almario. “Hello, Wa Pak Restaurant and Paluto?”

“Yes, sir! May ipalu­luto  po ba kayo?”

“Oo, macaroni salad for ten persons. Saka cold pasta para rin sa sampung tao“. Kilala na si Almario sa Wa Pak, suki na noon pa. Nagpakahinahon naman si Tatiana, nais makabawi sa ama-amahan, kunin ang respeto nito. Palihim na nagmadyik si Tatiana ng mga kailangang food ng ama-amahan. Lumikha iyon ng tatlong sound effect. Bwizz. Driikk. Kabliiim. “A-Ano ‘yon?” takang tanong ni Almario. Si Sofia na kanina pa nagmamasid sa dalawang kapamilya ang sumagot. “Nasa ref na ang mga kailangan mong food, Almario”.

(Itutuloy)

A-ANO

ALMARIO

ALMARO

DAD ALMARIO

HOW I

SI SOFIA

TATIANA

WA PAK

WA PAK RESTAURANT AND PALUTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with