Sexually Transmitted Disease
Ikaw ba ay sexually active? Kung oo ang sagot mo, dapat mong ikonsidera ang pagpapa-STD test lalo na kung iba-iba ang partner mo at kung ikaw ay edad 15-24-gulang. Narito ang rekomendasyon mula sa health.com na iba pang basehan sa pagpapa-STD test.
Kung isa lang ang sex partner - Karaniwang hindi na inirerekomenda ang iba pang STD test maliban sa HIV test kung isang heterosexual na lalaki o sa lalaking babae ang sex partner. Ito ay dahil mas prone ang mga babae na makakuha ng malubhang problema mula sa HPV at chlamydia. Ngunit ang chlamydia ay nakakaapekto sa fertility ng mga lalaki.
May urine tests na para sa chlamydia at gonorrhea.
Lalaki na nakikipagtalik sa lalaki - Importanteng magpa-test ng HIV at syphilis dahil may mataas na rate ng mga infection na ito sa mga lalaki. Kung maraming partner, dalasan ang pagpapa-test. Puwede ring magpa-test ng Chlamydia at gonorrhea na parehong may urine test na.
Bukod sa HIV test, kailangang magpa-pap smears ang mga babae taun-taon para masigurong walang abnormalidad sa cells ng cervix, na posibleng sanhi ng HPV. Ang mga babae na ang edad ay hindi bababa ng 26-anyos ay dapat magpa-HPV vaccination at ipinapayo ang chlamydia lalo na kung maraming partner. Kung magpapa-test ng chlamydia isabay na ang gonorrhea test kung nag-aalalangang baka mayroon ka nito.
- Latest