Gingivitis (1)
Ikaw ba ay malimit na nakakaranas ng pagdurugo ng gilagid? Baka ikaw ay may gingivitis na. Ano nga ba itong gingivitis at bakit hindi umaampat ang pagdurogo ng gilagid? Ang pangunahing rason kung bakit nagdurugo ang gilagid natin ay dahil sa ito ay namamaga. Ang pamamaga ng gilagid (gingivitis) ay dahil sa dumi na dumidikit sa pagitan ng ngipin at ng gilagid na tinatawag na “plaque”.
Ang plaque ay malagkit na substance na punong-puno ng bacteria.
Namumuo ito dahil sa kulang at hindi tamang pamamaraan ng paglinis o pagsisipilyo ng ngipin. Dahil sa bacteria, nagkakaroon ng reaksyon ang katawan (gilagid) natin sa pamamagitan ng “inflammation” o pamamaga.
Ano ang mga gamutan sa gingivitis?
Sa pamamagitan ng pagpapalinis ng ngipin sa dentista, maaari itong mabigyan ng lunas.
Kailangang matanggal lahat ng plaque pati na rin ang mga magagaspang na parte ng ngipin na kinakapitan nito. Kapag mas magaspang mas madaling kapitan kaya dapat na mapakinis ang ibabaw ng ngipin.
Ang “tartar” ay parang sementong kumakapit sa ngipin. ito ay naiiba sa plaque.
Pero kung maraming “tartar” mas magaspang at natural ding mas kinakapitan ng plaque ang surface nito.
Dapat maunawaan natin na ang pagpapalinis ng ngipin ay isang uri ng dental treatment.
Hindi lang ito ginagawa upang maging magandang tingnan ang ngipin, ito ay para maiwasan at magamot ang mga “gum diseases” na katulad ng gingivitis.
Kapag matagal ng hindi nagpapalinis ng ngipin, maaaring hindi lamang gingivitis ang maging sakit ng gilagid natin. (Itutuloy)
- Latest